Ito ay nagbibigay sa atin ng panandaliang kaligayahan, nagbibigay galak kapag ito ay atimg natatamasa.Ito ba ay isang anting-anting o kung anu-anong pang bagay na maaring nakapagbago ng iyong kapalaran o baka ito ay iyong swerte na iyomg pinaniniwalaan.Kapag ito'y natamo,siguradong maganda ang iyong kapalaran.Ito rin ay isa sa ating natatamasa na kung saan ito naman ay nagbibigay sa atin ng kabiguan.Ito'y iyong pinaka-iinisan at pina-ayaw mo ma mangyari sa iyong kapalaran.Dito naman ay maaring maubos ang iyong yaman, kung pu-pusta ka ng pu-pusta sa sugal na hindi mo siguradong ikaw'y swe-swertihin ba? Ito naman ay ang malas, ang kabaligtaran ng swerte na iyo rin bang pinaniniwalaan.Ang swerte at malas ay isang halimbawa ng isang kasabihan o pamahiin lamang ngunit ang iba'y ito ay sini-seryoso,at ginagawang makatotohanan ito.Lalo na kapag salapi na ang usapan na alam naman natin na kung saan ay napakahirap makamtam at gagawin ang lahat upang manalo lamang sa laban.Hindi naman natin alam o hawak ang ating mga kapalaran upang masabi kung tayo ay swerte at malas at maniniwala na lamang sa isang kasabihan.Huwag nating i-depende ang ating sarili at kapalara, kung nadadala man kung minsan.
Bernadeth Ponsica