Miyerkules, Oktubre 22, 2008

Marami sa ating mga kababayan na mga bilanggo ang nawawalan ng pag-asa dahil sa kawalan ng hustisya sa ating bansa.

Meron sa kanilang magagawan buwisin ang kanilang buhay dahil sila ang napagbintangan ng kasalanan hindi nila ginawa at ang iba naman ay nahatulan ng pang habang buahay na pagkabilanggo. Ngunit karamihan naman sa kanila ay naghihintay pa rin na makamit ang kanilang hinihintay na hustiaya. Ngunit na saan nga ba ang hustisya? Nasa ating mga mahihirap o nasa mga taong magbabayad para baliktarin ang hustisya?

Sa panahon ngayon mahirap nang magtiwala kung hustisya ang pag-uusapan, dahil marami ang gipit sa buhay at maramidin ang nagpapabayad para baliktarin ang hustisya kahit na alam naman nilang mali iot. Pero hindi natin sila masisisi, dahil nga gipit sila sa buhay, kakapit na lang sila sa patalim.

Tracy Victoria
IV- Diamond

Walang komento: