Miyerkules, Oktubre 22, 2008


Haligi ng Tahanan iyan ang taguri natin sa ating ama. Bakit nga ba? Dahil sila ang nagbubuhay para matugunan niya ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Anumang desinteng trabaho susubukan nila para lang mabuhay ang pamilya. Yan ang ating mga Ama. Ngunit, Para sakin iba ang aking ama, Dahil hindi lang siya haligi ng Tahanan, Ilaw pa ng Tahanan.

Mapagmahal, maalalahanin, madiskarte at matiyaga, ilan lang yan sa mga katangian ng aking mahal na ama. Kahit na wala na kaming ina,binuhay niya parin kami hindi niya kami pinabayaan sa oras na kailangan namin siya. Apat kaming pinag-aaral sa ngayon dalawa na lang kami ng kapatid ko ang pumapasok dahil nga ayaw munang mag-aral ng dalawa. Lahat ginagawa ng aming ama para matugunan niya ang mga pangangailangan sa pang araw-araw na gastusin. Minsan naiisip ko ang kalagayan ng aking ama. Mahirap kayang walang katuwang sa pagpapalaki ng mga anak. Pero hindi iyon ininda ng aking ama, Pinilit niya kaming buhayin dahil alam niyang may saysay ang lahat ng kanyang pagpapagod.

Minsan ay naitanong ko sa aking sarili, Bakit kaya kami nilayasan ng aming ina, pero kahit na hindi na kami binigyan ng Diyos ng ina na talagang magmamahal sa amin, binigyan niya naman kami ng isang amang tunay na kakalinga at magmamahal sa amin. Matatawag talaga siyang responsableng ama dahil hindi niya kami pinabayaan kaya, DA BEST KA TALAGA TAY!!!...



Roselyn Amar
IV- Diamond

Walang komento: