Sila ang mga taong, ang kailangan ay paggalang at pang-unawa upang sila'y magkaroon ng lakas ng loob upang magkaroon ng pag-asa na mabuhay ng maligaya. Sila ay mga simpleng tao na may deperensya ngunit na mas may pakinabang hingil sa mga pang-karaniwang tao bukod dito mayroon din silang mga natatagong kakayahan o talento, na kung ating titignan sila'y kahanga-hanga at karapat-dapat na ipagmalaki at bigyang parangal.
Ganun nalang kung ating sila'y laitin o kutryain at paglaruan,ang hindi natin alam ay nasasaktan din.Sila'y huwag din nating abusuhin o hilaing pababa sapagkat sila'y binigyan ng Poong Maykapal ng karapatan na masilayan ang mundo natin.Sa mata ng tao'y sila'y kakaiba ngunit sa mata ng Diyos sila'y isang mahalagang biyaya, na maari ring magbigay pag-asa sa ating bansa.
Sila'y ating tulungan na lumaban sa kanilang buhay sa makatuwid ang pamahalaan ang mas nakakaalam kung paano sila matutulungan ngunit ang suliranin ay hindi nila makita,sapagkat ito ay wala lamang sa kanila.Kung sila'y ating titignan,sila'y isang maganda at mabuting halimbawa,hindi lamang sa pagiging kawawa kundi gawin natin silang insperasyon upang tayo'y mas maging matatag sa buhay.
Bernadeth Ponsica
IV- Diamond
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento