Miyerkules, Oktubre 22, 2008


Bawat tao'y may hilig,may kanya-kanyang gusto o may kanya-kanyang interest sa kanilang mga sarili.Kadalasan ito ang panimula ng kanilang pag-unlad o pagkamit ng kanilang mga pangarap subalit mayroon namang iba na ang pagkahilig ay mayroong pagmamahal o pag-aalala sa kung anumang bagay o gamit at kung minsan ay upang makapagbigay lamang ng pansin sa kanilang pananamit o mismo sa kanilang mga pagkatao.
Marahil may pagkatulad sa akin,bilang isang dalagang mag-aaral ay marami din akong mga hilig. tulad ng pgakahilig sa mga bulaklak,sa mga palamuti sa katawan,desenyo ng mga bagay-bagay at ang higit sa lahat ay ang magluto habang may kasamang nakikinig ng mga romantikong musika.Kaya ko naging hilig ang mga nabanggit,halimbawa na lamang ang pagluluto,dahil gusto ko kapag nakatapos ako ng pag-aaral ito ang kukunin kung kurso,kung sakali mang makapag-aral ako.At dahil diyan,iyan na ang naging pangarap ko, ang magkaroon ng sariling restaurant o pakainan nakung saan ako ang magpapatakbo o mammuno diito,dahil mayroon naman akong kakayahang magluto at mahilig akong mag imbento ng putahi.
Subalit maraming hadlang upang matupad ko ito,tulad na lamang ng mga taong naghahatak sa akin pababa,ang kahirapan o salapi at higit sa lahat ang kagustuhan ng mga magulang ko para sa akin.Ang maging isang tanyag na madre o isang imahe ng isang malinis na babae, dahil siguro sa mga nagawa ng mga kapatid ko,parang nawalan na sila ng tiwala sa akin.Ang akin lamang na gustong sabihin ay mahalin at ingatan n'yo ang inyong mga kagustuhan at pilitin niyo itong abutin sapagkat baka ito ang magdala sa inyo sa maganda at maginhawang kinabukasan.



Bernadeth Ponsica
IV- Diamond

Walang komento: