Biyernes, Oktubre 24, 2008

"PUTI O PULA, BAHALA NA"!!!

Ito ay nagbibigay sa atin ng panandaliang kaligayahan, nagbibigay galak kapag ito ay atimg natatamasa.Ito ba ay isang anting-anting o kung anu-anong pang bagay na maaring nakapagbago ng iyong kapalaran o baka ito ay iyong swerte na iyomg pinaniniwalaan.Kapag ito'y natamo,siguradong maganda ang iyong kapalaran.Ito rin ay isa sa ating natatamasa na kung saan ito naman ay nagbibigay sa atin ng kabiguan.Ito'y iyong pinaka-iinisan at pina-ayaw mo ma mangyari sa iyong kapalaran.Dito naman ay maaring maubos ang iyong yaman, kung pu-pusta ka ng pu-pusta sa sugal na hindi mo siguradong ikaw'y swe-swertihin ba? Ito naman ay ang malas, ang kabaligtaran ng swerte na iyo rin bang pinaniniwalaan.Ang swerte at malas ay isang halimbawa ng isang kasabihan o pamahiin lamang ngunit ang iba'y ito ay sini-seryoso,at ginagawang makatotohanan ito.Lalo na kapag salapi na ang usapan na alam naman natin na kung saan ay napakahirap makamtam at gagawin ang lahat upang manalo lamang sa laban.Hindi naman natin alam o hawak ang ating mga kapalaran upang masabi kung tayo ay swerte at malas at maniniwala na lamang sa isang kasabihan.Huwag nating i-depende ang ating sarili at kapalara, kung nadadala man kung minsan.


Bernadeth Ponsica

Ang Karaniwan Sigaw,,,,,,,,,,,,,,,Katarungan!!!!!!!!!!!


Ikaw ba ay nakakulong ngayon? Ikaw ba ay walang kasalanan? May nagawa ka ba kung bakit ka nandyan ngayon, o wala naman at napagbintangan ka lang? Iba na talaga ang panahon ngayonkung sino a ay walang kasalanan o inosente ay siya ang nasa loob ng rehas bg katarungan at kunh sino pa ang may mga sala ay siya pang malaya.

Tayo nga ba ay may batas talaga? Bakit ito ay hindi nila napapansin? Na hindi na tama ang nangyayari, ano ang na lamang ang kahihinatnan ng ating mundo? Ito nga ba ay napupuno ng kasalanan o nababalot ng mga taong malaya na may kasalanan?

Ang timbangan ay pantay sa tingin ng Diyos, paano pagdating sa tinginng mga tao, maari sigurong bakamay lamang, Ito ba ang mga inosente o walanhg kasalanan ngunit nakakulong sa rehas ng katarungan o ang mga may sala na malaya? Kung ating titingnan, dumarami ang mga ganitong insedente.





Roselyn Amar
IV- Diamond

Miyerkules, Oktubre 22, 2008

Pagtitipid


Maraming pagtitipid sa maraming paraan ngunit mali naman, tulad na lamang ng ayaw magpagamot kahit na mayroon silang sakit. kung maalala na ang sakit saka pa lamang magpapadala sa pagamutan, hindi nito iniisip na ang kalusugan ay dakilang yaman sa buhay. Mayroon din tao na sa kagustuhan na hindi magalaw o magastos ang pera ay nangungutang na lamang kung kanikanino, pero mayroon din namang mga taong na nanghihingi na lamang ng kanilang makakain o ang tinatawag natin buraot. para silang mga pulubi na kahit mero naman silang pagkain ay ginagawang kawawa ang mga sarili.

Kahit ang isang bata o musmos na tulad mo ay maari rin magtipid, halimbawaang perang ibinibigay sa iyo ng iyong mga magulang sa araw araway puwede natin tipirin sa pamamagitan ng pagbili ng sapat na agkain at sa iyong mga pangangailangan, iwasan din natin ang pagbili ng mga bagay na hindi naman gaanong kahalaga, maari natin itago sa bangko o ihulog sa alkansya.

Ang pagtitipid ay isa sa mga paraan upang malabanan ang kahirapan,pagkabulagsak ang maaring maging dahilan kung bakit marami sa atin ang patuloy na naghihirap, ngayon pa lamang labanan na nating ang kahirapan, wastong pagtitipid ang kailangan.


Cherry Mae Gianan
IV- Diamond

hustisya




Hindi lahat ng nakakulong at napaparusahan ay mayroomg kasalanan kaya hindi natin sila basta basta na lamang husgahan at pagsalitaan ng masasakit na alam natin makakasakit lamang sa kanila.

Lahat tayo ay nangangailangan ng tulong, tulad na lamang ng binatilyo na tila isang maamong tuta na walang kinalaman sa pagpatay at napagbintang na lamang siya.Kahit na anong klaseng paliwanag niya ay walang naniniwala sa kanya. Mayroon dumating na isang matandang na nagnanais na tulungan siya, isa rin itong abugado, dito niya sinabi ang lahat ng patungkol sa kanya at agad naman siyang pinaniwalaan nito. Sa totoo lang, talagang may laban siya dahil isa lamang siyang minor de edad sataong na laing anim. Hinda napatnayan sa korte sa koerte na isa nga siyang minoe de edad dahil lahat ng mga makakapagpatunay nito ay nasunog na kasama ang kanilang tinitirahan. Walang ibang makakaintindi sa kanya kundi ang matandang babae na naging abugado niya.

Dumating ang araw na may nag aya sa kanya para tumakas buhat sa pagkakabilanggo dahil sabik na siyang makalaya, agad silang gumawa ng plano upang makatakas siya ang naatasan magkunwaring may sakit upang malinlang ang mga pulis pagdating nila sa ospital ay agad nilang binugbog ang kanilang mga bantay, napatay ng kasamahan niya ang isa sa mga pulis at tulad ng kanilang plano ay nakatakas sila ngunit sa maikling panahon lamang at nahuli rin silang muli. Hanggang sa ngayon hinahangad niya pa rin ang hustisya, dahil hindi parin siya makakalaya hanggang sa ngayon


Cherry Mae Gianan
IV- Diamond



Mapagkawang-gawa......totoo nga ba?

Batid natin lahat, na ilang sa ating mga kababayan ay may tinutulingan na mga institusyon para sa mga nangangailangan. Pero totoo nga ba sa kanila ang pagtulong? O naghihintay sila ng kapalit para doon?

Puwede natin isipin na totoo sa kanila ang pagtulong. Pero ang iba ay binibigyan naman ito ng ibang kahulugan, kung sabagay, hindi naman natin sila nasisisi di ba? Opinyon nila iyon na dapat natin respetuhin.

Kailan ba masasabing mapagkawang-gawa ka? Sa panahon ng pangangailangan? O sa panahon ng agkukusa? Marami sa ating mga pilipino ang tumutulong ng bukal sa kanilang puso o hindi na naghihintay ng anumang kapalit perokaramihan naman sa atin ay naghiintay ng kapalit, kaya kung minsan marami sa atin mga kababayan na nangangailangan ay kumakapit sa patalim para lang may maipangtustos sa kanilang mga pangangailangan.

Hay,,,,mahirap talagang magtiwala sa mga taong hindi pa nakukontento kung ano ang meron sila ano? Kaya kung ako sa inyo, maging mahusay kayo sa pagpili, okay?


Tracy Victoria
IV- Diamond

Mapagmahal, mapag-alaga, maalalahanin, masipag, palaban, responsable, mahusay halos lahat ng katangian ay angkin na niya. Iyan si ina, nanay, mama, mommy kung ano man ang tawag sa kanila, sila ang tinaguriang "Reyna ng Tahanan". Taga bantay sa bahay, taga asikaso sa mga anak, tagaluto, tagapaglaba, halos lahat na ay kanyang ginagawa at kung minsan pa nga ay tagabuhay ng pamilya.
Kung noon sila ay nasa bahay lamang, ngunit ngayon sila na ang bumubuhay sa pamilya. Lumilipas talaga ang panahon.... Ika nga ng mga lolo't lola, pero kahit ganun nandyan pa rin sila, para sumuporta sa bawat pagluha at kaligayahan, sa kasawian man o sa tagumpay man ng kanilang pamilya, taga tuwid ng landas kung maliligaw man, taga sermon kung may kamalian at taga bigay ng payo kung kinakailangan.
Pag-ibig nila'y ating kailangan, kaya dapat ating ito'y pahalagahan at pagka-ingatan. Magpasalamat na kung magpasalamat, sabihin na ang mga dapat sabihin, maglambing na kung maglalambing. Huwag sayangin ang panahon at oras upang ipakita ang pagmamahal na nararamdaman. Kanilang kalinga'y ating kailangan, kaya dapat ating ito'y mapanatili, mahalin, alagaan, at huwag hayaang mawala, sapagkat kung wala sila wala rin tayo sa mundo. Ito ay alay para sa lahat ng mga minamahal at walang katulad na mga reyna ng tahanan; Iyan si Inay......



Bernadeth Ponsica
IV- Diamond
Nagsasawa na ba kayo? Sa pang-aabuso ginagawa nila sa inyo. Ito ba'y hindi niyo na matiisan at matagalan.Mapagmataas na, sapagkat meron silang salapi o yaman na kanilang ginagamit sa pang-aabuso sa mga walang laban sa kanila.
Mayroon namang ibang nilalang na may yaman na kayang tumulong sa kanilang kapwa,subalit bakit ang iba'y hindi nila ito magawa?Sa halip tulungan ay lalo pang sinasadlak.Kung sila'y ating titignan,sila tuloy ay nagiging mukhang kawawa.Kung tayo'y mayroong kusa, bakit
kailangang magsalita pa?
Sabi ng Diyos, lahat ng tao'y pantay-pantay dito sa mundo.Bakit mayroon pa ring nagmamataas na halos hindi na maabot ng mga mabababa,at bakit ngayon ang sabi ng Diyos ay hindi na matupad o kaya'ynasusunod.Sana'y isang araw, ang mga mababa'y kanilang irespeto at maging mapagbigay. Kung mayroon tayong paggalang, maaring magkaroon ng pagkapantay-pantay ang mundo.



Bernadeth Ponsica
IV- Diamond
Sila ang mga taong, ang kailangan ay paggalang at pang-unawa upang sila'y magkaroon ng lakas ng loob upang magkaroon ng pag-asa na mabuhay ng maligaya. Sila ay mga simpleng tao na may deperensya ngunit na mas may pakinabang hingil sa mga pang-karaniwang tao bukod dito mayroon din silang mga natatagong kakayahan o talento, na kung ating titignan sila'y kahanga-hanga at karapat-dapat na ipagmalaki at bigyang parangal.
Ganun nalang kung ating sila'y laitin o kutryain at paglaruan,ang hindi natin alam ay nasasaktan din.Sila'y huwag din nating abusuhin o hilaing pababa sapagkat sila'y binigyan ng Poong Maykapal ng karapatan na masilayan ang mundo natin.Sa mata ng tao'y sila'y kakaiba ngunit sa mata ng Diyos sila'y isang mahalagang biyaya, na maari ring magbigay pag-asa sa ating bansa.
Sila'y ating tulungan na lumaban sa kanilang buhay sa makatuwid ang pamahalaan ang mas nakakaalam kung paano sila matutulungan ngunit ang suliranin ay hindi nila makita,sapagkat ito ay wala lamang sa kanila.Kung sila'y ating titignan,sila'y isang maganda at mabuting halimbawa,hindi lamang sa pagiging kawawa kundi gawin natin silang insperasyon upang tayo'y mas maging matatag sa buhay.



Bernadeth Ponsica
IV- Diamond

Bawat tao'y may hilig,may kanya-kanyang gusto o may kanya-kanyang interest sa kanilang mga sarili.Kadalasan ito ang panimula ng kanilang pag-unlad o pagkamit ng kanilang mga pangarap subalit mayroon namang iba na ang pagkahilig ay mayroong pagmamahal o pag-aalala sa kung anumang bagay o gamit at kung minsan ay upang makapagbigay lamang ng pansin sa kanilang pananamit o mismo sa kanilang mga pagkatao.
Marahil may pagkatulad sa akin,bilang isang dalagang mag-aaral ay marami din akong mga hilig. tulad ng pgakahilig sa mga bulaklak,sa mga palamuti sa katawan,desenyo ng mga bagay-bagay at ang higit sa lahat ay ang magluto habang may kasamang nakikinig ng mga romantikong musika.Kaya ko naging hilig ang mga nabanggit,halimbawa na lamang ang pagluluto,dahil gusto ko kapag nakatapos ako ng pag-aaral ito ang kukunin kung kurso,kung sakali mang makapag-aral ako.At dahil diyan,iyan na ang naging pangarap ko, ang magkaroon ng sariling restaurant o pakainan nakung saan ako ang magpapatakbo o mammuno diito,dahil mayroon naman akong kakayahang magluto at mahilig akong mag imbento ng putahi.
Subalit maraming hadlang upang matupad ko ito,tulad na lamang ng mga taong naghahatak sa akin pababa,ang kahirapan o salapi at higit sa lahat ang kagustuhan ng mga magulang ko para sa akin.Ang maging isang tanyag na madre o isang imahe ng isang malinis na babae, dahil siguro sa mga nagawa ng mga kapatid ko,parang nawalan na sila ng tiwala sa akin.Ang akin lamang na gustong sabihin ay mahalin at ingatan n'yo ang inyong mga kagustuhan at pilitin niyo itong abutin sapagkat baka ito ang magdala sa inyo sa maganda at maginhawang kinabukasan.



Bernadeth Ponsica
IV- Diamond

Haligi ng Tahanan iyan ang taguri natin sa ating ama. Bakit nga ba? Dahil sila ang nagbubuhay para matugunan niya ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Anumang desinteng trabaho susubukan nila para lang mabuhay ang pamilya. Yan ang ating mga Ama. Ngunit, Para sakin iba ang aking ama, Dahil hindi lang siya haligi ng Tahanan, Ilaw pa ng Tahanan.

Mapagmahal, maalalahanin, madiskarte at matiyaga, ilan lang yan sa mga katangian ng aking mahal na ama. Kahit na wala na kaming ina,binuhay niya parin kami hindi niya kami pinabayaan sa oras na kailangan namin siya. Apat kaming pinag-aaral sa ngayon dalawa na lang kami ng kapatid ko ang pumapasok dahil nga ayaw munang mag-aral ng dalawa. Lahat ginagawa ng aming ama para matugunan niya ang mga pangangailangan sa pang araw-araw na gastusin. Minsan naiisip ko ang kalagayan ng aking ama. Mahirap kayang walang katuwang sa pagpapalaki ng mga anak. Pero hindi iyon ininda ng aking ama, Pinilit niya kaming buhayin dahil alam niyang may saysay ang lahat ng kanyang pagpapagod.

Minsan ay naitanong ko sa aking sarili, Bakit kaya kami nilayasan ng aming ina, pero kahit na hindi na kami binigyan ng Diyos ng ina na talagang magmamahal sa amin, binigyan niya naman kami ng isang amang tunay na kakalinga at magmamahal sa amin. Matatawag talaga siyang responsableng ama dahil hindi niya kami pinabayaan kaya, DA BEST KA TALAGA TAY!!!...



Roselyn Amar
IV- Diamond
Ano nga ba ang malas at suwerte? Naniniwala ka ba dito. May mga taong naniniwala dito, Halimbawa ngayong araw na ito ang taas ng nakuha mong grade sa exam tapos nakapulot ka ng pera, masasabi mo sa sarili mo, "ang suwerte ko naman ngayon araw na ito". Tapos, Halimbawa naman ang malas ng araw mo ng kinabukasan nadulas ka, pinagalitan ka ng nanay mo tapos nakipagbreak pa sayo ang syota mo, ang sakit nun!.

May mga tao naman naniniwala rin sa mga bagay na malas at swerte, halimbawa nalang ang mga Intsik, naniniwala sila sa mga lucky charms, Feng Shui at iba pa. May matatanda naman na nagsasabi na kapag nakakita ka ng isang itim na pusa sa iyong daraanan ay huwag ka nang tumuloy dahil may masamang mangyayari.

Para sa akin, hindi ako naniniwala dahil para sakin ang malas at swerte ay isang pagkakataon lang kung talagang niloob ng Diyos na magyari sayo ang isang bagay malas man o swerte hindi mo na maiiwasan ito.


Roselyn Amar
IV- Diamond
Bawat tao ay mayroong kanya-kanyang hilig o gawi ito ang nag-sisilbing daan upang mapalawak pa nila ang kanilang kaalaman. sa iba naman ito ay nag sisilbing libangan o kasiyahan, Halimbawa nalang ang paglalaro ng DOTA sa mga kalalakihan. Giliw na giliw silang maglaro nito kahit na nauubos na ang kanilang pera at oras. Mayroon namang iba na ito ang nagiging daan nila para sila ay umasenso.

Ang kinahihiligan ko naman ay magbasa ng mga libro kapag wala akong ginagawa sa bahay. Ito ang nagsisilbi kong libangan, sa pagbabasa ng libro ay marami kang mapupulot na kaalaman. Nanood naman ako ng T.V sa kapitbahay pag sumapit na ang oras ng mga telenovela. Iyan ang aking gawi kapag wala na akong ginagawa sa aming bahay.

Kahit sina naman ay may kanya-kanyang gawi. Ito pa nga ang nagsisilbi sa kanilang pag-asenso. Halimbawa nalang ay mahilig kang magluto, sa pagluluto mo ay marami ka nang ibat-ibang putahe na iyong nailuluto at mag papatayo ka ng isang canteen para ka umasenso.


Roselyn Amar
IV- Diamond

Malas at Suwerte


Malas at suwerte, mga bagay na ginagawa ng isang tao sa kanyang buhay. Mga bagay na hindi mo inaasahan mangyayari sa iyo sa isang araw.
Malas, sa akin na lamang, karanawan na sa akin sa isang araw na magkaroon ng pangit na pangyayari, mga bagay na hindi nko namanplinano para sa araw na iyon, pero nangyayari. At alam ko naman na hindi ko maiiwasan iyon. Tinatanggap ko n lamang kung gaano iyon kabuti o kasama.
Suwerte, isang pangyayari na nakapagdudulot sa iyo ng kasiyahan, pero sabi nga ng ilang, ikaw ang gumagawa ng suwerte mo sa iyong buhay. Hindi iyong maghihintay na may lalagpak na lamang na kahit na ano sa iyo. kailangan mo iyong pagsikapan gawin para makuha mo.


Tracy Victoria
IV- Diamond

Malas at Suwerte

Bawat tao ay may kanya-kanyang paniniwala. Marami rin ang naniniwala sa kung anu-ano na lang tulad ng tinatawag natin malas at suwerte.

Malas, ito ay tawag nila sa isang bagay na madalas nilang maranasan tulad na lamang tulad na lamang kapag natatalo sila sa sugal, kapag hindi nila nakukuha ang kanilang gusto, pagbinasted sila ng mga nililigawan nila iyan ang mga halimbawa ng tinatawag nilang malas. halimbawa ako natalo at bumagsak ako sa aming pagsusulit, ito ay matuturing ko ng kamalasan.

Suwerte, ito naman ay yung tawag sa mga bagay bagay na madalas na mangyari at nakukuha mo kung ano ang gusto mo. Tulad na lamang ng pagkapanalo mo sa isang sugal, iyan ang tinatawag na suerte.





Cherrry Mae Gianan

IV- Diamond

Hindi lahat ng pamilya ay masaya at nagkakaisa tulad na lamang ng pamilya Gianan. Bakit kaya ganoon ang nangyayari sa kanilang pamilya? Ano nga ba ang kanilang pangunahing problema?sino ang dapat sisihin? Paano iot mabibigyan ng sulosyon?

Ang pamilya ng mga Gianan ay naakairesponsable, lalo na ang kanilang haligi ng tahanan. Hindi nito inisip ang kanyang mga anak mula ng pumanaw ang kanyang kabiyak. Lahat ng kanyang anak ay nagkahiwahiwalay ng dahil sa paglisan ng kanilang ina. hindi na iniisip nito kung ano ang kahihinatnan ng kanyang kapabayaan. Sabawat oarasat araw na nagdaraan, unti-unti na nitong nakalimutan ang kanyang mga responsibilidad niya sa kanyang mga anak. Ibinigay niya rin ang kanyang mga anak sa kanyang mga kapatid na parang wala lang, kaya natatawag ko ba siyag ama?

Dahil sa kangyang kapabayaan ang kanyang tatlong anak ay maagang magsipag-asawa. Hanggang sa ngayon ay hindi malaman ng kanyang mga kapatid at kangyang mga anaknaninirahan angmga ito. At sa ngayon ay wala siyang pakialaman sa kanyang anak
hay,,, ang hirap talaga ng buhay ano?



Cherry mae Gianan
IV- Diamond

Kung iisipin natin maganda at masaya ang magkaroon ng isang pamilya, dahil lubos ang mararamdam natin kasiyahan kapag nakapagtaguyod tayo ng isang pamilya.

Pero kung iisipin din natin mahirap bumuo ng isang pamilya kapag ikaw ay hindi pa hand, maraming bagay-bagay na dapat isaalangalang para maging masaya at matatag ang bubuuing pamilya.

halimbawa na lamang, kung ilang ang guato mong anak, kailangan mong magplano ng mahusay kunh ilang nga ba ang gusto mong anak, dahil sa panahon ngayon, mahirap ang maraming anak. mahirap din ang kumita ng pera at mahirap sin ang magpaaral ng maraming anak. Pero kung handa ka naman talaga na magkaroon ng pamilya, huwag kang maalilangan dahil para din iyon sa iyong kaligayahan..........



Tracy Victoria
IV- Diamond
Sariling interes? Sariing inters? Ano nga ba ang sariling interes?

Hindi ko alam kung ano talaga ang sariling inters kaya ibabahagi ko na lang kung ano ang mga ginagawa ko kapag ako ay may mga libreng oras.

Ang hilig kong gawin kapag may mga libreng oras ako ay ang magbasa ng mga libro tungkol sa pag-ibig o romance pocket book kung tawagin ng marami.

Sinasabi ng iba na walang kwenta ang pagbabasa nito, pero para sa akin may halaga ito Hindi ko ito ginagawang linangan lamang, bagkus nakakakuha rin ako ng mga bagong salita na magagamit ko sa aking pang araw-araw na pamumuhay at sa pagsagot sa mga katanungan ng akin mga kaibigan.Kaya aking itong pangangalagaan kahit pa tumanda na ako.


Tracy Victoria
IV- Diamond
Marami sa ating mga kababayan na mga bilanggo ang nawawalan ng pag-asa dahil sa kawalan ng hustisya sa ating bansa.

Meron sa kanilang magagawan buwisin ang kanilang buhay dahil sila ang napagbintangan ng kasalanan hindi nila ginawa at ang iba naman ay nahatulan ng pang habang buahay na pagkabilanggo. Ngunit karamihan naman sa kanila ay naghihintay pa rin na makamit ang kanilang hinihintay na hustiaya. Ngunit na saan nga ba ang hustisya? Nasa ating mga mahihirap o nasa mga taong magbabayad para baliktarin ang hustisya?

Sa panahon ngayon mahirap nang magtiwala kung hustisya ang pag-uusapan, dahil marami ang gipit sa buhay at maramidin ang nagpapabayad para baliktarin ang hustisya kahit na alam naman nilang mali iot. Pero hindi natin sila masisisi, dahil nga gipit sila sa buhay, kakapit na lang sila sa patalim.

Tracy Victoria
IV- Diamond

Martes, Oktubre 21, 2008

masaya ba Magkaroon ng Pamilya?

masaya ba Magkaroon ng Pamilya?

Ang Pamilya ay isa sa pinaka importanteng bahagi n gating dahil sa oras ng Problema ay Sa kanila tayo lumalapit at humihingi ng tulong at uti at suporta. Nais nating mapaganda ang buhay n gating pamilya kaya nagkukunan ko ng lakas ng loob upang gawin lahat ng mga nangangarap tayo ng mataas upang magkaroon tayo ng lakas ng loob upang pagihawain ang buhay n gating pamilya.

Napalad ko dahil nagkaroon ako ng isang mabuti at maipagmamalaking pamiya at sila ang pinagkukunan ng lakas ng loob upang tuparin ang akng mga pangarap.

Ang aking pamilya ay isang pamilyang makadiyos dahil sa gabay na ibinibigay ng aking mabutin Ama na isang Pastor sa simbahan na kanilang itinayo. Ang aking mga Ate ay mga nagtopos na ng kolehiyo kaya may sumosuporta na sa aming pamilya.

Ezekiel S. Laurino
IV-Diamond

….MAHAL…

….MAHAL…

Sa buhay natin ay dumarating ang taong makapagpapasaya sa atin. Siya ang taong magmamahal at magaalaga sa iyo na hindi ka sasaktan o iiwan …Paano kung dumating ang taong iyon at ipangako sa iyo ang lahat
ng ito na hinahanap mo sa isang tao ,,,

paano kung nagging sa iyo siya at minahal ka niya ng totoo at nagging Masaya ka sa piling niya….Ngunit Paano kung dumating na ang araw na Pagkalippas ng apat na Buwan ng inyong pagmamahalan ay nagsawa siya at binabalewala ka na niya ? Patulo mo pparin ba Siyang mamahalin O Bibitiw ka na sa kanyang malambot na mga kamay….

Ako, kung ganun ang ginagawa sa akin ng mahal ko kahit masakit kailangan ng bumitiw sa kanyang mga malalambot na kamay kahit mahal na mahal ko pa rin siya …minahal ko siya ng higit pa sa lahat ng mahal at isinakripisyo ko na ang lahat para sa kanya … kakayanin kong lumakad ng wala siya kahit siya ang naging pinaka mahalagang bahagi ng PUSO ko ..
Sana maging msaya na siya at sana maala-ala niya ulit kung gaano ako kahalaga sa kanya… BYE……


Ezekiel S. Laurino
IV-Diamond

Kailangan Ba? Mahal Ko…

Altruismo

Kailangan Ba? Mahal Ko…


Ang Pagsasakripisyo sa taong mahalaga sa atin ay madaling gawin dahil handa nating ibigay sa kanila ang lahat ng pwede nating isakripisyo para sa kanila Ngunit Paano kung ang taong pinagsasakripisyohan mo na minahal mo ng bong puso aybalewalain ang sakripisyong ginawa mo para sa kanya…Itutuloy mo pa ba o matutulog k na lang at ititigil ang pagsasakripisyong ginagawa mo para sa kanya….

Para sa akin itutuloy ko parin kahit nakakapagod at napakahirap ang ginagawa ko para sa kanya… Mahal ko kkasi Siya eh kaya handa kong gawin ang lahat para sa kanya. hindi ako tumigil magsakripisyo para sa kanya pero sana siya naman ang magsakripisyo para sas akin…

Ngunit kailangan bang Isakripisyo mo ang lahat Para sa taong mahal mo? KAILANGAN bang ibigay mo ang lahat para Lumigaya siya kahit nasasaktan ka na?.... paano kung gusto na niyang IWANAN KA ibibigay mo ba ang kalayaan niya para siya ang lumigaya. Isasakripisyo mo ba ang kalayaan ng babaeng pinagarap mo na nagbibigay ng ngiti sa iyong mga mukha upang siya ang lumigaya ?


Ezekiel S. Laurino
IV-Diamond

Napahiya Ba Ako?

Swerte o Malas?


Napahiya Ba Ako?

Sa ating buhay ay marahil nagtatanong tayo kung Sa sarili natin kung Swerte o Isang kaawa-awang Malas dahil sa mga panahon na hindi natin inaasahan ay biglang darating ang di inaasahang pangyayari sa ating buhay na maaring magdala sa atin ng Saya o bigyan tayo ng mapait na ala-ala.
Minsan ma mga araw tayo na sinuswerte tayo na nagdadala sa atin ngiti sa atin tuwa at ngiti sa ating mga mukha. Na parang ayaw na nating matapos ang oras na iyon halimbawa ay ang makatabi at makasama natin ang taong nkakapagpaligaya sa atin na kahit masulyapan lang siya ay napapangiti na tayo.

Pero may mga araw tayo na parang gusto nalng nating ibaon sa limot halimbawa ay ang ginupit ng ating mahal na guro ang ating buhok na parang gusto niya tayong ipahiya sa harap ng ating mga kamag aral na pinagmumukha niya tayong katawa tawa at ang mas masakit ay sa araw din na iyon ay binasted ka ng babaeng nililigawan mo ng buong puso …
At sasabihin mo …. Sakit talaga Ang MALAS ko…


Ezekiel S. Laurino
IV-Diamond

Pantay Ba ang timbangan ng hustisiya?

Hustisiya

Pantay Ba ang timbangan ng hustisiya
O Sadyang mabagal land ito?

Sa ating bayan ay may umiiral na batas at alituntunin na dapat sundin …Ngunit ito ba ay na susunod ? sa ating bayan. Ang mayayaman lamang ang nakakakamit ng tinatawag nilang hustisya at ang mga mahihirap na nadidiin sa mga krimen na hindi nila ginawa ang nagdudusa. Kararniwan sa ating bayan n napapabayaan lamang ang mga taong ito dahil sa kanilang kahirapan at dahil na rin sa ating mga butihing opisyal ng Gobyerno na nasilaw sa salapi ng mga mayayaman.

Dahil sa salapi kung bakit nakagagawa ang mga tao ng masama upang makabili ng gamoot at pagkain na ipapakain nila sa kanilang mga anak ngunit ang mga bagay na ito ay mali at masama pero kailangan nilaa itong gawin upang mabuhay sa mundong ito.

Ang aking butihing Tito ay pinatay at pinagnaawan ng mag hindi kilalang mga walang kaluluwang mga kalalakihan na nasiaw sap era ng Aking Tito. Dahil sa kanyang pagkamatay mararmi ang nalungkot at lalo pa kaming nalungkot dahil hanggang ngayon wala parin ang hustisya para sa kanya dahil sa mabagal na hustisiya na umiiral sa ating bayan


Ezekiel S. Laurino
IV-Diamond

Lunes, Oktubre 20, 2008

pansariling interes:Bakit?

Ito ang tanging salita nan gumugulo sa aking isipan, bumubulabog sa aking damdamin at syempre, ang bumabasag sa aking puso! Alam kong alam nyo rin ang salitang ito! “bakit”. Ito ang salita na sumisira sa tahimik kong pamumuhay! Maraming tanong ang umiikot sa ating lahat! Bakit sya namatay, bakit ako pa, bakit sya pa, at ang pinakamasakit sa lahat, bakit mo ako pinaasa!

Maging partikular tayo, gaya ng mapakaring lalaki sa mundo, pag-ibig ang pinag-uusapan ng lahat! Madami ang nagtatagumpay! At madami rin naman ang nasasaktan at natatalo! Marami ang nagtatanong,” bakit pa nangyari ito, sana’y hindi ko nalang sya nakilala!” pero andoon parin ang puntong, “bakit?”

napagdaanan ko rin ang gaya ng napagdaan mo!nasaktan din ako! Aaminin ko, soobrang sakit! Halos mawalan na ako ng lakas kung kaya’t nakagawa ako ng hindi maganda. Oo! Sa unang pagkakataon, nakainom ako ng alak! Inisip ko na mawawala din sya sa isipan ko kinabukasan pero hindi eh! Andito parin sya sa. Patuloy akong sinasaktan! Kaya’t nasasabi ko,”mahal na mahal kita! Manhid ka lang!”sana’y masagot narin ang mga tanong ninyo! Upang hindi na kayo mahirapan!

Earn johns solano

Ang altruism!

Anu ka ba! Altruism lang hindi mo pa alam!ang altruism ay yaong mga taong lagi nating nakikita!katulad niyaong mga pulubi! Iyang mga puulubi na iyan ay isang halimbawa dahil sa lagi mo silang nakikita saang sulok man ng metro manila! Karaniwan na yung mga pulubing nakaupo, nakatayo o naglilibot!

Sa karaniwang mga tao, sila ay mga peste! Kasi daw nakakadiri daw sila! Pero may ibang bukal ang loob at nagbibigay ng salapi sa naturang mga tao!pero naawa ka ba sakanila? Anu ka ba! Pilipino din sila!kababayan mo!tapos, ganyan lang ang ginagawa mo!

Pero, alam mo ba na sa buong maghapon, nakakaisang lobo ang mga pulubi! Kasi, madiskarte sila!hindi katulad ng iba na knadidirian sila!peo wala sanang mga pulubi kung maayos ang pamamalakadng pamahalaan! Kaya sa halip na kadirian natin sila, tulungan natin sila! Okey!

Earn johns Solano

Anong uri ba ng hustisya meron tayo?

Hustisya! Napakaganda sigurong makamtan ang pangalang ito!lalo na ng mga mahihirap.na pinagkaitan ng hustisya. Pero sa ngayon, talaga bang tunay na hustisya ang makukuha mo?malamang na bihira nalang pero sa panhon nating ito,karamihan ay mukhang hustisya nalang. Pinapamuka nila sa atin na makakamtan natin ang tunay na hustisya pero palabas lamang pala iyon.karamihan sa mga gumagawa niyan ay mga pulis!dapat sana’y ipinagtatanggol nila tayo sa mga masasamang tao pero sa ngayon,sila mismo ay gumagawa din nang kasamaan!

Isa pang halimbawa ay ang mga abogado! Sila’y dapat na maging kakampi natin sa pagkamit ng nararapat nah ustisya pero sa ngayon, nang dahil lang sa kaunting lagay ng pera o kung ano pa man, kumakampi na sila sa kalabang grupo at hindi na tayo tinutulungan upang makuha ang matagal na nating inaasam na hustisya!

Maaring napakasakit isipin na ang mga taong dapat na sumisiguro sa ating kaligtasan ay ang sya pang nasa likod ng mga katiwalianat mga pangungurakot! Hindi ba masakit iyon! Kaya hindi natin siguradong makakamit ang tunay na kalayaan! Paninindigan lamang ang tanging hakbang upang manghawakang mahigpit sa tunay na hustisya! At wag nating ilagay ang hustisya sa ating mga kamay.ipaubaya nalang natin ito sa tapat na awtoridad!

Earn johns solano

Malas nga ba o swerte?

Ano kaya ang pumapasok sa isipan mo pag naririnis mo ang salitang “ malas o swerte”? para sa ilan, ang swerte ay isang kagalakang matatamo nila sa araw na iyon samantalang ang malas naman ay isang pangit na pangyayari na dapat nilang iwasan at marami din naming naniniwalang hindi totoo ang malas o swerte. Ikaw mismo ang makakagawa ng saya at lungkot sa buhay mo

Pero, sangayon, laganap na ang malas at swerte sa araw araw kabilang na ang mga dyaryo, magazine, libro at kahit sa selpon. Kunin nalang nating halimbawqa ang dyaryo, madami ang hinahanap ng mga tao,! Balita, entertainment at iba pa. pero isa lamangang pinanabikan nila! At iyon ay ang horoscope. Lagi nilang hinahanap-hanap iyon. Gusto nilang malaman kung paano sila makakapagtamo ng swerte at kung paano nila maiiwasan ang malas.

Kung ako ang tatanungin, hindi ako naniniwala sa swerte o malas.dahil kusa nalang darating sa iyo ang pagpapala o hatol. Ikaw ang makakagawa ng kasiyahan mo sa buhay mo. Wala kang ibang dapat gawin kung hindi gawin ang pang araw-araw mong gawainat abangan ang tadhana mo

Earn johns solano

Ang pamilya ngayon

Kung iisipin, masayang magkaroon ng pamilya! Pero ang tanong, paano kaya tayo magkakaroon ng masayang pamilya? Sa ngayon, tunay ngang nakakadismaya ang mga pamilyang ating nakikita, ang bawa’t pamiya ay magulo,karamihan na ang pagdidiborsyo, mga pisikal at emosyonal na pang-aabuso ng mga ulo ng pamilya,at higit sa lahat, kasakiman at pagiging ganid.

Yan lang ang isa sa mga nakakalungkot na pangyayari sa loob ng isang pamilya na dapat sana’y isang maligaya at puno ng pagmamahal na pamilya. Nakakalungkot ngang isipin na ang masasayang alaala ng isang mag-asawa na binuklod ng diyos na jehova na nakaulat sa I corinto 7:2 na may puntong wag ng mangaliwa ang mga babae pero sa ngayon, talamak na sa publiko ang pangangaliwa.

Ngayon, bilang isang kabataan, isa ang ang maipapayo ko sa inyo!sana’y maging tapat kayo sa inyong mahal, wag kayong lilihis sa pagmamahal na iyon! Wag kayong maghanap ng iba! Maging kontento na kayo sa isa!

Earn johns solano